Tripleng taas-budget, hirit ng OVP

Tripleng taas-budget, hirit ng OVP

August 25, 2022 @ 8:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mula sa dating P713,408,000 ay nais ng Office of the Vice President (OVP) na maging P2.3 billion ang alokasyon nito sa ilalim ng 2023 national budget.

Base sa National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa House of Representatives hinihiling ng OVP na magkaroon ng  P2,305,396,000 pondo para sa susunud na taon.

Ipinaliwanag ng OVP na sa nasabing proposed budget ay P2,292,673,000 dito ay para sa bagong appropriations para support at operations habang ang P12,723,000 ay awtomatikong mapupunta sa retirement and life insurance premiums.

Upang mapagbigyan sa kanilang hinihinging pondo nangako ang OVP na magsusumite ito ng quarterly reports sa kanilang financial at physical accomplishments.

Sinabi ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Reynald Munsayac na kanilang ilalatag sa budget deliberations ang mga proyekto at programa na paggamitan ng bilyong pondo na kanilang hinihingi. Gail Mendoza