Triplets, sabay-sabay ga-graduate ng ‘cum laude’

Triplets, sabay-sabay ga-graduate ng ‘cum laude’

June 22, 2018 @ 1:29 PM 4 years ago


Napa-tripleng WOW ang mga netizen sa viral post ng triplets na sina Ace, Jack, at King Pagaran na ga-graduate sabay-sabay with ‘flying colors’ pa bilang cum laude sa Cabagan, Isabela.

Sa Facebook post ng isa sa kambal na si Ace, shinare nito ang graduation picture nilang magkakapatid at ang paghihirap na dinanas nila.

Hindi kasi naging madali sa mga magulang nila na sina Leliza at Sonny Pagaran na mga magsasaka ang pagtapusin sila ng pag-aaral.

Bukod sa pangungutang at paghingi ng tulong pinansiyal sa kanilang mga kamag-anak, umabot pa sa punto na ibinenta na nila ang isinasakang lupa.

At dahil sa pagsusumikap, sa Hunyo 26 sila nakatakdang umakyat sa entablado para sa kanilang pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Isabela State university Cabagan Campus. (Remate News Team)