TRO sa traffic scheme ng isang subdibisyon sa Las Pinas, pinalawig ng Korte

TRO sa traffic scheme ng isang subdibisyon sa Las Pinas, pinalawig ng Korte

September 26, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isa pang dagok sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang pagpapalawig ng Las Pinas Regional Trial Court (RTC) ng 20 araw sa Order nito noong Setyembre 22 na 72-hour Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu noong Setyembre 19.

Ipinahayag ni Senator Cynthia Villar na inextend ang TRO hanggang Oktubre 9, 2022 matapos makita ng korte na may sapat itong basehan batay sa ebidensiyang inihain ng petitioners sa summary hearing noong Setyembre 21, 2022.

Habang epektibo ang TRO, itinakda ng korte ang mga pagdinig sa Setyembre 27, 28, 29 and 30. 2022 para maghain ang mga partido ng kanilang ebidensiya upang mabatid ng korte kung kailangang magpalabas ng Writ of Preliminary injuncttion.

Nagsimula ang kontrobersiyang ito noong Hulyo 24 matapos maglagay ng guwardiya ang bagong village administration sa Onelia Jose St. at hindi padaanin ang Las Piñas resident-holders ng friendship stickers.

Ang Onelia Jose St. ang nagkokonekta sa Zapote River Drive patungong CAVITEX at Bacoor, Cavite para sa mas maikling pag biyahe.

Nauna nang pinayagan ng Las Piñas LGU ang mga residente nito partikular ang mga friendship stickers holder na maaring dumaan sa mga subd. na idineklarang Friendship Route sa ilalim ng City Ordinance.

Ang Friendship Route ay ginawa para makatulong na mabawasan ang trapiko sa Alabang-Zapote Road at iba pang pangunahing lansangan sa siyudad, kung saan may kaukulang parusa sa mga lalabag sa kautusang ito. Dave Baluyot