Trolley nahulog sa lawa, 26 deboto patay sa India

Trolley nahulog sa lawa, 26 deboto patay sa India

October 2, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


INDIA – Patay ang aabot sa 26 na mga deboto makaraan mahulog sa lawa ang sinasakyan nilang trolley na hila ng isang traktora sa Kanpur, Uttar Pradesh, India nitong Sabado, Oktubre 1.

Ayon kay Sudheer Kumar, senior local official ng nasabing probinsya, 50 katao ang sakay ng traktora na karamihan ay mga babae at bata na pauwi na sana mula sa isang Hindu temple.

“Twenty-six people died in the incident,” ani Kumar.

Maliban sa mga nasawi, 16 naman ang dinala sa ospital dahil sa tinamong mga sugat at injury.

Karaniwan ginagamit ang traktora sa ibang mga bayan sa India dahil hindi maayos ang kondisyon ng ilang kalsada doon.

Nagpaabot naman si Prime Minister Narendra Modi ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.

“Distressed by the tractor-trolley mishap took place in Kanpur. My thoughts are with all those who have lost their near and dear ones and prayers with the injured,” ani Modi. RNT/JGC