Tropa ng gobyerno, NPA nagbakbakan sa Bulacan

Tropa ng gobyerno, NPA nagbakbakan sa Bulacan

August 15, 2022 @ 3:58 PM 2 months ago


Bulacan- Tinatayang limang minuto ang naging palitan ng mga putok sa pagitan tropa ng gobyerno at New Peoples Army (NPA) sa Sitio Sapang Munti, Brgy. San Mateo, Norzagaray.

Ayon sa report, nakasagupa ng mga elemento ng squad ng A/801B PA ang nasa limang miyembro ng Platoon 1, (SDG), KLG Narciso, SRMA 4A, STRPC, umaga ng Agosto 13.

Tumagal ang bakbakan sa loob ng limang minuto hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa hilagang silangan, base pa rin sa report.

Nang humupa ang mga putok ay tumambad sa mga sundalo ang Assault Rifle, 5.56mm, M16, magazine, 9 rounds ng 5.56mm, 9mm pistol, dalawang magazine, 18 bala nito, .45 caliber, dalawang magazine, 27 bala nito, dalawang hand grenade at dalawang backpack na may mga subersibong dokemento.

Wala naman napaulat na namatay sa maikling sagupaan ng magkabilang panig bukod sa mantsa ng mga dugo sa lugar ng engkuwentro. Dick Mirasol III