Tropa ng militar, nalagasan sa bakbakan sa NPA

Tropa ng militar, nalagasan sa bakbakan sa NPA

August 10, 2018 @ 5:40 PM 4 years ago


 

Isabela –  Dalawang sundalo ang nalagas sa tropa ng pamahalaan habang tatlo ang sugatan sa panibagong engkwentro ng mga sundalo at miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Isabela.

Ito ang  kinumpirma ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na naganap sa Dicamay 2, Jones, Isabela, kaninang alas-4:30  ng madaling araw.

Ayon kay Division Public Affairs Office (DPAO) Army Capt. Jefferson Somera, nangyari ang sagupaan nang paputukan umano ng mga rebelde ang 54th Infantry Battalion na sumaklolo sa mga residente na ginugulo ng NPA sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay ‘di pa tukoy kung sino ang mga nasawi at nasugatang sundalo.

Nagpadala naman ng attack helicopter ang Airforce para tulungan ang Army sa pagtugis sa mga rebelde.

Ito na ang ikaapat na naitalang engkwentro sa Isabela sa loob lamang ng anim na araw. (Remate News Team)