Tropical Depression Gardo tumatahak na patungong north-northeast direction ng PH waters

Tropical Depression Gardo tumatahak na patungong north-northeast direction ng PH waters

August 31, 2022 @ 6:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Patungo na ngayon ang Tropical Depression Gardo sa north northeast direction, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin na ipinost ng PAGASA ngayong umaga.

Tinatayang ang senteo ng Tropical Depression ay nasa 1,130 kilometro silangan ng extreme northern Luzon na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour malapit sa sentro, gustiness hanggang 70 km/h, at central pressure na 1000 hPa.

Posibleng hindi direktang makaapekto si Gardo sa weather condition at sa sea conditions osa coastal waters ng bansa.

Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa northern at central Luzon ay light to moderate patungong northeast to northwest direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Makararanas naman sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed mpatungong northwest to southwest direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:44 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:09 ng hapon. RNT/SA