Tropical Depression, inaasahang pumasok ng PAR ngayong weekend

Tropical Depression, inaasahang pumasok ng PAR ngayong weekend

March 15, 2019 @ 4:56 PM 3 years ago



Manila, Philippines – Tuluyan nang naging tropical depression ang binabantayang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok ng PAR ang bagyo na tatawaging Chedeng sa Sabado ng gabi o umaga ng Linggo.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,910 kilometrong Silangan ng Mindanao taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.

Gumagalaw ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Dagdag pa ng PAGASA, inaasahan na ang kalat-kalat at kung minsan ay malawakang lakas ng ulan sa ilang mga probinsiya sa Silangang bahagi ng Mindanao.

Samantala, tinitingnan pa ng PAGASA ang posibilidad ng pag-landfall ng bagyo sa Mindanao sa Lunes o sa Martes. (Remate News Team)