Tropical Depression Rosal, posible pang lumakas

Tropical Depression Rosal, posible pang lumakas

December 11, 2022 @ 11:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posible pang lumakas sa pagiging isang tropical storm ang Tropical Depression Rosal habang kumikilos ito sa direksyong hilaga, hilagang-silangan habang napapanatili nito ang taglay na lakas.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa pinakahuling weather bulletin kung saan inaasahan na magiging isang tropical storm ang bagyong Rosal sa susunod na 36 na oras.

Sa kabila nito, hindi inaasahan na tatama ang bagyo sa alinmang bahagi ng kalupaan ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, Disyembre 11 ay inaasahan ang mahina hanggang katamtaman na minsan ay may kalakasan na pag-ulan sa Mimaropa hanggang tanghali.

May pabugso-bugsong hangin din sa Batanes at Babuyan Islands samantala malakas na hangin din ang inaasahan sa
Ilocos Norte, northern at eastern portions ng Cagayan, eastern portion ng Isabela, Calaguas Islands, at extreme northern portion ng Catanduanes.

“Flooding and rain-induced landslides are still possible in some areas, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” ayon sa PAGASA. RNT/JGC