Tropical Storm Luis lumakas pa; inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes

Tropical Storm Luis lumakas pa; inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes

September 29, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lumakas pa si Tropical Storm Luis further habang papalapit sa northern limit ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA nitong Huwebes ng umaga.

Ang sentro ni Tropical Storm Luis ay tinatayang 1,090 kilometro east northeast ng extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 75 kilometers per hour malapit sa sentro, gustiness hanggang 90 km/h, at central pressure na 996 hPa.

Pa-norte si Luis sa bilis na 20 km/h na may strong winds na nag-eextend “upwards” hanggang 290 km mula sa sentro.

“Tropical Storm Luis is unlikely to directly affect the weather condition in the country within the forecast period,” ayon sa PAGASA.

Ang Low Pressure Area (LPA) naman 335 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar ang inaasahang magpapaulan sa Eastern Visayas, Caraga, at Bohol.

Magiging maulap naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

“The tropical storm remains unlikely to bring rough seas over the coastal waters of the country which may result to risky conditions to mariners,” ulat pa ng weather bureau.

Samantala, ang wind speed forecast para sawestern section ng Luzon ay slight to moderate patungong southwest to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Makararanas sa natitirang bahagi ng bansa ng slight to moderate wind speed patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

“On the forecast track, Luis will exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) this morning. Further intensification is likely while moving over the sea east of the Ryukyu Islands, with Luis reaching severe tropical storm category within 24 hours,” sabi ng ahensya. RNT/SA