Trough ng LPA, amihan iiral sa Pinas

Trough ng LPA, amihan iiral sa Pinas

February 5, 2022 @ 8:15 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Patuloy na magpapaulan ang trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Palawan at Mindanao habang Amihan ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Partikular dito ang Visayas, Caraga, Bicol Region, MIMAROPA, at mga probinsya ng Quezon, Sulu, at Tawi-Tawi na makararanas ng bahagyang pag-ulan.

Gayundin ang mananaig sa Batanes, Cagayan, at Apayao.

Trough din ng LPA ang mararamdaman sa bahagi ng Mindanao.

Habang amihan naman ang makaaapekto sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw kaninang 6:24 a.m. at nakatakdang lumubog mamayang 5:57 p.m. RNT/FGDC