Trough ng LPA, amihan, shear line makaaapekto sa bansa

Trough ng LPA, amihan, shear line makaaapekto sa bansa

January 22, 2022 @ 8:15 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang shear line sa silangang bahagi ng central Luzon habang mararamdaman naman ang amihan sa northern Luzon at nalalabing bahagi ng central Luzon, ayon sa PAGASA.

Trough naman ng Low Pressure Area (LPA) ang mararamdaman sa Caraga at eastern Visayas.

Makararanas din ng mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon gayundin sa Metro Manila, Ilocos Region at nalalabing bahagi ng central Luzon dala ng amihan.

Sumikat ang araw kaninang 6:25 a.m. at lulubog mamayang 5:50 p.m. RNT/FGDC