Trough ng LPA iiral sa M’danao, Visayas

Trough ng LPA iiral sa M’danao, Visayas

August 4, 2020 @ 7:37 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) ngayong Martes, August 4 sa layong 360 kilometro east southeast ng Davao City, ayon sa PAGASA.

Mararamdaman naman ang habagat sa hilagang Luzon na magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, at Babuyan Group of Islands.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.

Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...