Trough ng LPA magpapaulan sa Visayas, Mindanao

Trough ng LPA magpapaulan sa Visayas, Mindanao

October 26, 2022 @ 6:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng Trough ng Low Pressure Area ang Palawan, Visayas at Mindanao ngayong Miyerkules, Oktubre 26.

Ito ay ayon sa ulat ng PAGASA kung saan maliban dito ay mayroon ding binabantayang Low Pressure Area na namataan sa layong 1,101 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Samantala, ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan na minsan ay may kalakasan dahil naman sa shear line.

Kaparehong sitwasyon din ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora dahil naman sa epekto ng northeast monsoon o Amihan.

Ang Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan dahil pa rin sa Amihan ngunit wala itong masyadong matinding epekto. RNT/JGC