Trough of LPA magpapaulan sa Eastern Visayas, iba pang rehiyon

Trough of LPA magpapaulan sa Eastern Visayas, iba pang rehiyon

November 2, 2022 @ 6:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na mga pag-ulan ang mga rehiyon ng Eastern Visayas, Caraga at Davao ngayong araw, Nobyembre 2 dahil sa trough ng Low Pressure Area na huling namataan sa silangan ng Surigao del Sur.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang LPA ay nasa 355 kilometro silangan, timog-silangan ng Hinatuan, ng nabanggit na probinsya.

Ito ang nauna nang pinangalanang Tropical Depression Queenie na kalaunan ay nalusaw din.

Samantala, kaparehong panahon ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na dulot naman ng mga localized thunderstorm. RNT/JGC