Truck ban at zero vendor, utos ni Isko para sa Traslacion

Truck ban at zero vendor, utos ni Isko para sa Traslacion

January 4, 2020 @ 10:35 AM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magpapatupad ng truck ban at zero vendor ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga dadaanang ruta ng Traslacion sa Enero 9.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang unang Capital Report ngayong 2020.

Ayon sa alkalde, sa Enero 7 hanggang  9 ay bawal na ang mga trak sa ruta ng Traslacion habang sa Enero 8 hanggang 9 naman ipinagbabawal ang mga vendor kung saan nagdeklara si Moreno ng “zero vendor”  sa buong Quiapo.

Layon aniya ng truck ban at zero vendor   na maging maluwag ang kalye na dadaanan ng Traslacion bilang  pagbibigay galang sa Poong Nazareno.

Sinabi rin ng alkalde na lahat ng uri ng sasakyan na nakakapagdulot ng obstruction ay kanilang kukunin at maiko-konsidera nang donor o donasyon sa City of Manila.

“Kailagan ko po  ng pakiisa ninyo para sa kaligtasan at kaayusan para sa Poong Nazareno bilang tulong na rin sa ating  tradisyon at pakikiisa ng pamahalaang lungsod  sa Simbahan at mamamayan sa pagdiriwang  ng Traslacion 2020,” pakiusap pa ng alkalde.

“I want the entire stretch of Traslacion to be clear visually,” dagdag pa ni Moreno.

Maging ang mga police car, ambulansya, fire truck at private car ay hindi rin ligtas sa ipapatupad na truck ban basta’t nakahambalang sa mga kalyeng dadaanan ng Andas.

Anang alkalde, pansamantala lamang ang ipapatupad na pagbabawal kaya kailangan aniyang makipagtulungan at konting sakripisyo lang. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...