Truck driver, 3 laborer huli sa Bulacan anti-illegal quarry ops

Truck driver, 3 laborer huli sa Bulacan anti-illegal quarry ops

October 2, 2022 @ 4:49 PM 2 months ago


Bulacan – Arestado ang apat na indibiduwal sa ikinasang joint anti-illegal quarrying operations ng mga awtoridad sa magkasunod na araw sa kabundukan ng dalawang bayan ng lalawigang ito.

Sa report, naaresto ng pinagsamang puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Bulacan Environment and Natural Resources (BENRO) at San Ildefonso police sa operasyon ang isang alyas Lester, 30, truck driver bandang alas – 8:07 ng umaga nitong Oktubre 1, sa Brgy. Alagao.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa operasyon ang isang 10-wheeler dump truck na kargado ng minerals.

Bandang 3:30 ng hapon nitong Setyembre 30, naaresto naman sa Sitio Butatero, Brgy. Camachile ng PIU, BENRO at Doña Remedios Trinidad (DRT) police ang tatlong laborer na sina Julius Motita, 19, Joven Torre, 19 at Elizalde Basas ng naturang lugar.

Napagalamang nakatakbo at nakatakas ang kanilang magkarelyebong truck driver na may alyas Joey Castro at Noel Alcantara sa direksyon ng San Rafael.

Nakumpiska naman sa operasyon ang isang Isuzu Forward truck na kargado ng 270 sacks of aggregates.

Sinasabing kapwa nakatanggap ng tawag mula sa mga concerned citizen ang mga awtoridad na agad nagsagawa ng operasyon kaya nahuli ang mga suspek.na nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III