Truck driver todas sa tarak sa leeg!

Truck driver todas sa tarak sa leeg!

September 9, 2022 @ 2:57 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang truck driver matapos tarakan sa leeg ng kapwa drayber dahil lamang sa away trapiko  sa MICT Access Road, malapit sa Parola, Gate 1, Tondo, Maynila, Huwebes ng gabi.

Idinekralang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC)ang biktima na si  John Henry Aquino Y De Mesa, 43-anyos ,residente ng Francisco St., Arkong Bato Valenzuela City.

Ipinag-utos naman ni MPD Director P/Brig. General Andre Dizon ang hot pursuit laban sa suspek na inilarawan lamang na may taas na 5’4 hanggang 5’5, maskulado ang pangantawan, nakasuot ng kulay puting t-shirt at maong pants.

Nauna rito ,nagkaroon umano ng gitgitan ang dalawang truck na minamaneho ng biktima at suspek sa bahagi ng Delpan.

Pagsapit umano sa MICT Access Road, humarang ang truck ng suspek at agad bumaba saka hinamin ng suntukan ang biktima.

Bumababa naman ang biktima mula sa minamanehong truck  saka hinabol ang suspek, maya-maya ay nakita na lamang itong duguan habang mabilis na tumakas ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden