Truck ng basura, inararo ang 8 na sasakyan, 1 patay, 13 sugatan

Truck ng basura, inararo ang 8 na sasakyan, 1 patay, 13 sugatan

July 29, 2018 @ 10:18 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Isa ang patay habanag mahigit sa 13 ang sugatan sa karambola ng 9 na sasakyan sa Shaw EDSA flyover kagabi (July 28).

Dead on the spot ang isa habang 5 ang agad na isinigod sa Rizal Medical Center at 8 sa Mandaluyong Hospital, ayon kay Erwin Sañano ng Mandaluyong rescue.

Ayon sa MMDA Metrobase, kabilang sa karambola ang isang garbage truck, dalawang jeep, dalawang AUV, isang SUV, mixer truck, sedan, at pick-up.

Nawalan umano ng preno ang garbage truck kaya’t inararo nito ang mga sasakyan sa unahan nito.

Samantala, isinara sa mga motorista ang buong Shaw Boulevard Flyover eastbound dahil sa insidente. Remate News Team