Trump at Kim, magtatagpo sa unang pagkakataon

Trump at Kim, magtatagpo sa unang pagkakataon

June 11, 2018 @ 3:06 PM 4 years ago


Singapore – Nakatakdang magkikita ngayon, sa unang pagkakataon si US president Donald Trump and North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore para sa gaganaping summit na naglalayong wakasan ang alitan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa.

Ang pagkikita ng dalawang lider ay ang kauna-unahan sa kasaysayan matapos ang Korean War noong 1950-1953.

Ayon sa North Korea’s state-run KCNA news agency, ang dalawang bansa ay magpapalitan ng kanilang “wide-ranging and profound views” upang maisaayos ang kanilang relasyon at sinabi pa na ang summit ay magiging parte ng “changed era”.

Samantala, kabilang sa mga tatalakayin ay ang isyu ng  permanenteng peace-keeping mechanism at denuclearization agreement sa Korean Peninsula at iba pang isyu na dapat pagkasunduan ng dalawang bansa.

“Very good,” naman ang sabi ni Trump tungkol sa summit at nagtweet pa ng, “Great to be in Singapore, excitement in the air!”

Ang summit ay gaganapin sa Capella hotel sa Sentosa, isang resort sa Singapore na mayroong luxury hotels, Universal Studios theme park at man-made beaches. (Remate News Team)