Trust, approval ratings ni Digong, muling tumaas

Trust, approval ratings ni Digong, muling tumaas

December 15, 2021 @ 8:37 AM 9 months ago


MANILA, Philippines – Muling tumaas ang trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong December 2021, ayon sa fourth quarter survey results na ipinalabas ng political consultancy firm.

Sa isinagawang sarbey ng PUBLiCUS Asia’s Pahayag Quarter 4, mula Disyembre 6 hanggang 10, ang approval rating ni Pangulong Duterte ay tumuntong sa 65%, tumaas ito ng 5 percentage points mula sa 60% approval rating sa third quarter.

Tumaas din ang trust rating ng Pangulo ng 55%, 2 percentage points ang itinaas kumpara sa kanyang 53%trust rating sa last quarter.

Binansagan naman si Pangulo Duterte ng 50% ng mga respondents kung saan isa sa trait ng Pangulo ay “religiosity.”

Nakakuha naman ang Pangulo ng highest share para sa “bravery” na may 80%, “love for the Philippines” na may 72%, “decisiveness” na may 72% at “concern for Filipinos”, 71%.

Sa kabilang dako, bumaba naman ng 1 percentage point ang approval rating ni Vice President Leni Robredo dahil mula sa 31 % sa third quarter ay 30% na lamang ito.

Ang trust rating ni Robredo ay tumaas mula 22% ay 23% na.

Tumaas naman ang approval rating ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng 2 percentage points dahil mila 34% sa third quarter ay 36% na ito.

Samanatala, ang approval ratings ni House Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alexander Gesmundo ay nananatili sa 24%. Kris Jose