TS Karding, nakalabas na

TS Karding, nakalabas na

August 11, 2018 @ 1:22 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nakalabas na ang Tropical Storm Karding sa Philippine Area of Responsibility ngayong umaga.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo kaninang alas-10 ng umaga sa 905 kilometrong layo mula sa Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 75 kilometer per hour na may pagbugso na aabot sa 90 kph.

Tumatakbo na ito patungong Hilagang Kanluran sa bilis na 25 kph.

Samantala, isa pang tropical depression ang minomonitor ng PAGASA na namataan sa 1,030 km mula sa Kanluran ng Extreme Northern Luzon, na may lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong aabot sa 75 kph.

Hindi rin ito tatama sa lupa dahil patungo ito sa Timog Kanlurang bahagi ng China sa bilis na 10 kph.

Sa kabila naman nito, mas lumakas pa ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na hinahatak ng Karding dahilan ng malakas na pag-ulan sa Northern Luzon, Central Luzon at western section ng Southern Luzon.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararansan ng Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal. (Remate News Team)