Tserman, 1 pa pinagbabaril-patay 

Tserman, 1 pa pinagbabaril-patay 

July 21, 2022 @ 9:38 AM 3 weeks ago


PIKIT, Cotabato- Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa magkasunod na insidente ng pamamaril-patay sa bayang ito, Miyerkules ng umaga.

Bandang 7:00 AM binaril-patay si Datu Jalandoni Matalam Akas, chairman ng Barangay Macabual Pikit Cotabato.

Ayon kay Police Major Maxim Peralta, hepe ng Pikit Police Station, minamaneho ni Akas ang motorsiklo angkas ang kanyang misis sa bahagi ng Barangay Nalapaan Pikit Cotabato.

Bigla na lamang sumulpot ang riding in tandem suspects at dinikitan si Akas saka pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na baril.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa nasabing bayan habang dinala naman sa ospital ang mag-asawa para subalit dineklara na rin patay si Akas habang nagtamo naman ng sugata ang asawa nito.

Samantala, dakong 2:00 AM ng Martes sa Sitio Village, Barangay Batulawan, Pikit, binaril-patay rin ang empleyado ng Water District, na si Alex Salcedo, 58 anyos, ng residente ng Manampan St., Barangay Poblacion, ng nabanggit na bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang tahanan ng bigla na lamang siyang tinambangan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan ng naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sinabi naman ng kaanak ni Salcedo na walang naging kaaway ang biktima./Mary Anne Sapico