Tserman, 9 iba pa arestado sa sugal

Tserman, 9 iba pa arestado sa sugal

January 31, 2022 @ 12:10 PM 8 months ago


ILOCOS SUR- Arestado ang tserman ng barangay at siyam na iba pa matapos silang maaktuhan ng mga otoridad na nagsusugal sa Brgy. Daligan, Sta. Cruz ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang mga naaresto na sina Angelito Aday y Samsung, 43, may asawa, punong barangay; Rommel Dapeg y Manzano, 35, walang asawa; Richard Caligtan y Galuga, 41, may asawa; Regie Cudiamat y Cariaga, 31, may asawa; Mercy Gumangi y Ramos, 51, may asawa; Mirasol Mata y Aday, 40, may asawa; Sadiri Aglangao y Dapeg, 61, may asawa; Joan Pabillo y Galaso, 40, may asawa; Laida Cordova y Dalimas, 51, may asawa; at Vilma Arciagay Aday, 55, may asawa; pawang mga residente ng naturang lugar.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Sta. Cruz MPS na may mga grupo ng nagsusugal sa naturang barangay kaya agad silang rumesponde.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong set ng baraha na ginamit nila sa pagsusugal at P1,245 na bet money.

Ang mga suspek pati na ang mga confiscated item ay dinala sa Sta. Cruz MPS. Rolando S. Gamoso