Tserman patay sa riding in tandem

Tserman patay sa riding in tandem

August 1, 2018 @ 8:02 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Patay ang isang Barangay Chairman matapos barilin ng hindi nakilalang riding in tandem habang nakaupo sa tapat ng barangay hall sa Tondo, Maynila ngayong Miyerkules ng hapon.

Agad binawian ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala sa leeg at katawan ang biktima na si Joseph Moran, bagong halal na tserman ng Barangay 100 Zone 8 .

Sa paunang ulat ng MPD-Homicide Section dakong alas 5:45 ng hapon nang mangyari ang pamamaril.

Nakatakas naman ang suspek na riding in tandem.

Sinisikap pa ng awtoridad na alamin ang motibo ng pamamaril sa biktima. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)