Tserman sa DavSur, pinagbabaril-patay

Tserman sa DavSur, pinagbabaril-patay

April 29, 2022 @ 10:17 AM 2 months ago


DIGOS CITY, Davao del Sur- PATAY ang isang punong barangay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa labas ng kanyang bahay nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang Angelito Balasbas, 50, barangay chairman ng Purok Jakosalem, Bgy. San Jose ng lungsod.

Ayon kay Lt. Col. Hamlet Lerios, acting Digos police chief, dakong 5:00 PM naganap ang krimen sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, kararating lamang ng biktima sa kanilang bahay at pababa na ng kanyang sasakyan ng biglang pagbabarilin ito ng suspek.

Tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis naman tumakas ang suspek.

Kaugnay nito, naglaan naman ng P1-M pabuya ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Digos sa sinoman makapagturo o makahuli sa suspek.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen./Mary Anne Sapico