Tserman sa Samar sugatan sa dinamita

Tserman sa Samar sugatan sa dinamita

January 28, 2022 @ 7:12 AM 8 months ago


SAMAR — Grabe ang tinamong sugat ng isang barangay tserman sa Tinaogan, sa bayan ng Zumarraga na ngayon ay nakikipaglaban para sa kanyang buhay matapos maaksidenteng masabugan ng dinamita.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Gerardo Araza, ang imbestigador sa insidente, ang biktimang si Elino Sobrino, 58, kung saan aksidenteng pumutok ang dinamita bago niya ito itapon sa dagat.

Grabeng sugat ang natamo ni Sobrino sa kanyang katawan habang naputol naman ang kanyang kamay.

May dalawang kasama sa bangka si Sobrina na nagtamo lang ng minor injuries. RNT