Tsina ‘di matitiyak na ‘di gagamit ng pwersa vs Taiwan – Xi

Tsina ‘di matitiyak na ‘di gagamit ng pwersa vs Taiwan – Xi

October 17, 2022 @ 8:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni President Xi Jinping nitong Linggo na ang China “will never commit to abandoning the use of force” sa isyu sa pagitan ng Taiwan, sa talumpati sa pagsisimula ng Communist Party Congress sa Beijing.

“Resolving the Taiwan issue is a matter for Chinese people themselves, and must be resolved by Chinese people alone. We will adhere to striving for the prospect of a peaceful reunification with the greatest sincerity and greatest efforts, but will never commit to abandoning the use of force, and reserve the option to take all necessary measures,” pahayag ni Xi sa Communist Party delegates sa Great Hall of the People sa Beijing.

Para sa China, ang self-ruled, democratic Taiwan ay bahagi ng teritoryo nito, na babawiin pagdating ng araw.

“The historical wheels of national reunification and national rejuvenation are rolling forward,” dagdag ni Xi. “Reunification of the motherland must be achieved and will be achieved.”

Kinondena ni Xi ang “separatism and interference” ukol sa isyu.

Pinuri rin niya ang transisyon ng Hong Kong mula sa “chaos to governance”, matapos ang pagkakasa ng national security law noong 2020.

“The situation in Hong Kong has achieved a major transition from chaos to governance,” aniya. RNT/SA