Tsina, handa sa pagpapaigting ng kooperasyon sa Pinas – Ambassador Huang

Tsina, handa sa pagpapaigting ng kooperasyon sa Pinas – Ambassador Huang

December 10, 2022 @ 12:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inulit ng China ang kahandaan nito na itaas ang antas ng kooperasyon sa Pilipinas habang maayos na nakikipag-ugnay sa “friendly consultation” at pagtugon sa magkaibang pananaw at pinagtatalunang usapin.

Sa kanyang closing remarks sa isinagawang 7th Manila Forum na inorganisa ng Chinese Embassy and the Association for the Philippines-China Understanding (APCU), sinabi ni Chinese Ambassador in Manila Huang Xilian na welcome sa Beijing ang Maynila bilang “important partner” sa pagsusulong ng modernisasyon sa China.

Kabilang sa mga attendees ay sina dating Pangulo at APCU chair emeritus Gloria Macapagal-Arroyo, Senador Koko Pimentel, at dating Energy Secretary Alfonso Cusi.

Tinukoy ni Huang ang kamakailan lamang na pagpulong nina Pangulong Marcos at Chinese President Xi Jinping kung saan sinabi nito na ang dalawang bansa ay nagkaroon ng “many important consensuses” sa pagtatayo ng mas matatag at malakas na bilateral relationship.

“We are committed to elevating the level of our cooperation to the benefit of our two peoples. At the same time, we stick to friendly consultation and handle differences and disputes properly. The blueprint of China-Philippines relations has been painted and it’s time for us to take concrete actions to make it happen,” ang wika ni Huang.

Ang pahayag ni Huang ay sinabi nito isang araw matapos na sabihin ng Philippine military na ang Chinese militia vessels sa West Philippine Sea ay kumikilos papalapit sa lalawigan ng Palawan.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng state visit si Pangulong Marcos sa China sa Enero sa susunod na taon.

Ito ay matapos tanggapin ng Pangulo ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping para sa isang state visit.

Ang pagbisita ng Pangulo sa China ay nakatakda sa darating na Enero 3 hanggang 5 o 6. Ang schedule ng state visit ay kinumpirma ng Chinese government. Kris Jose