Tsina inspirasyon ng Pinas para maging economically aggressive-VP Sara

Tsina inspirasyon ng Pinas para maging economically aggressive-VP Sara

September 28, 2022 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – NAGSILBING inspirasyon ng Pilipinas ang China upang magkaroon ng “tiger cub” economy ang bansa.

Ito ang inihayag ni Vice President Sara Z. Duterte sa kanyang naging pagdalo sa 73rd founding anniversary ng People’s Republic of China.

Sa kanyang naging talumpati sa idinaos na virtual event, ipinahayag niyo ang kanyang malaking paghanga at paggalang para sa Asian “economic powerhouse” para sa global performance nito sa kabila ng mga hamon.

“Because of your contribution to the Asian economy, we are now the fastest growing economic region in the world. Thanks to China and its people, Tiger Cub economies, like the Philippines, are inspired to be more aggressive in our economic targets,” ayon kay Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagdiriwang ay “more special” dahil sa pagdiriwang na rin ng China at Pilipinas ng 47th anniversary ng diplomatic partnership ng mga ito.

“Philippines and China relations have soared and reached new heights under the guidance of former President (Rodrigo) Duterte and President Xi,” ayon kay Duterte.

Aniya, ang kasalukuyang administrasyon ay kumakapit sa isang “positive momentum” ukol sa diplomatic ties sa China, lalo pa’t papalapit na ag 50th year ng partnership nito sa ilalim ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“We are grateful that China is a generous neighbor. We look forward to forging more partnerships and collaborations with you as we journey together towards achieving our sustainable development goals,” ayon kay Duterte. Kris Jose