Pagtatapon ng dumi ng tao ng Tsina sa WPS: ‘Di gawain ng matinong kapitbahay

Pagtatapon ng dumi ng tao ng Tsina sa WPS: ‘Di gawain ng matinong kapitbahay

July 13, 2021 @ 4:30 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni Senador Grace Poe ang China sa pagtatapon nito ng dumi ng tao sa karagatan na sakop ng West Philippine Sea na pawang paglabag sa international at local environmental laws.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na isa itong tahasang insulto hindi lamang sa ating soberanya kung hindi maging sa lahat ng umaasa ng kabuhayan mula sa karagatan.

“It is certainly infuriating and disgusting to hear the reports of human wastes being dumped on the West Philippine Sea.,” ayon kay Poe.

Aniya, hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay.

“This adds insult to injury. We are not the dumping site of any country, let alone by a nation laying claims on our territory.”

“China treating us as its toilet is a clear violation of both international and local environmental laws,” giit ni Poe.

Ipinaliwanag ni Poe na paglabag ito sa Stockholm Declaration na inaatasan ang lahat ng Estado na magsagawa ng kaukulang hakbang na maiwasan ang polusyon sa karagatan ng mga bagay na sanhi ng hazard sa kalusugan ng tao, makakaapekto sa yaman-dagat at marine life.

“The Stockholm Declaration requires all states to “take all possible steps to prevent pollution of the seas by substances that are liable to create hazards to human health, to harm living resources and marine life, to damage amenities or to interfere with other legitimate uses of the sea,” paliwanag ni Poe.

“Similarly, we have local laws like R.A. 9275 or the Clean Water Act, and R.A. 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000 which impose penalties on such acts,” dagdag ni Poe.

Sinabi ni Poe na kung kulang ang batas ng tao, dapat maipairal ng China ang pangunahing batas sa human decency na hindi ginagawa ang ganitong kabaluraan.

“Dito nga sa atin, kahit walang batas, sinusunod natin ang “Tapat ko, linis ko,” aniya.

Ipinakikita ng China na hindi talaga sa kanila ang West Philippine Sea na kung kanila talaga ito, dapat irerespeto nila ang kahalagahang ekolohikal ng lugar na mayaman sa yaman-dagat.

“We can only hope that this comes as a wake up call to the administration on the stinking reality that China gives no respect to international law, whether it be our territorial or environmental rights,” giit ni Poe.

“The government must strongly condemn this and demand the immediate cessation of any waste-dumping activities in the area. Anything less would be unacceptable,” patapos ni Poe. Ernie Reyes