Tsina: Laser ‘di itinutok sa PH crew

Tsina: Laser ‘di itinutok sa PH crew

February 16, 2023 @ 7:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hayagang itinanggi ng China na tinutukan ng kanilang coast guard ng laser ang mga tripulante ng BRP Malapascua habang ang huli ay nasa resupply mission noong Pebrero 6 sa karagatan ng Ayungin Shoal.

Direktang sinabi ni Chinese Foreign Ministry Wang Wenbin na ang mga alegasyon ng Pilipinas ay “not reflect the truth.”

Iginiit pa ni Wang na ginagawa lang umano ng Chinese Coast Guard ang kanilang trabaho dahil sa pag-intrude ng Pinas sa kanilang teritoryo.

“During that process, the China Coast Guard ship used hand-held laser speed detector and hand-held greenlight pointer to measure the distance and speed of the Philippine vessel and signal directions to ensure navigation safety,” ipinaliwanag ni Wang.

“We need to highlight the fact that the China Coast Guard ship did not direct lasers at the Philippine crew, and the hand-held equipment does not inflict damage on anything or anyone on the vessel,” giit pa.

Sinabi naman ng PCG na ang ilaw ay nagdulot ng “temporary blindness” sa mga tripulante ng BRP Malapascua sa tulay.

Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines sa gobyerno ng China na kontrolin ang pwersa nito matapos ang laser-pointing incident. RNT