Tsina magbibigay ng P800M sa Pinas para sa ‘Odette’ reconstruction effort

Tsina magbibigay ng P800M sa Pinas para sa ‘Odette’ reconstruction effort

January 18, 2022 @ 9:09 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nangako ang People’s Republic of China ng pondo na nagkakahalaga ng 100 million renminbi (P800 million) sa Pilipinas bilang suporta sa reconstruction efforts ng gobyerno sa mga lugar na winasak ng bagyong Odette.

Ang grant ay inanunsyo ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa isang talumpati sa 5th Manila Forum for Philippines-China Relations, araw ng Lunes.

“When the Philippines was hit by Typhoon Odette, President Xi Jinping promptly expressed his sympathies and support, and the Chinese government was among the first to provide emergency assistance,” ayon kay Wang.

Aniya, “through thick and thin” ang Pilipinas at China ay “neighbors and partners” at umaasa na ang grant ay makatutulong sa pagbangon ng bansang Pilipinas.

“The Filipino people are strong and resilient. We believe that under the leadership of President Duterte and the Philippine government, people of the affected areas will rebuild their homes at an early date,” ayon kay Wang.

Sa ginanap na forum, kasama ni Wang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang Filipino at Chinese officials bilang pagsuporta sa “stronger and reinforced” relationship at mutual development sa pagitan ng dalawang bansa. Kris Jose