Tsina matapos ang laser incident: Sitwasyon sa Ayungin, kalmado lang

Tsina matapos ang laser incident: Sitwasyon sa Ayungin, kalmado lang

February 16, 2023 @ 7:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng nangyaring laser incident sa pagitan ng Chinese at Philippine Coast Guards, sinabi ng Beijing na kalmado umano ang sitwasyon sa pinagtatalunang Ayungin Shoal.

Sinabi pa ng Chinese Foreign Ministry na pinag-uusapan na ng Tsina ang Pilipinas ang nasabing insidente matapos na magkaso ng bagong diplomatikong protesta ang Maynila.

“Earlier we shared the facts and actual circumstances of the incident as well as China’s principled position. We would like to stress again that what the China Coast Guard did was professional and restrained,” ani Wang Wenbin, spokesperson ng Chinese Foreign Ministry.

“At present, the relevant waters are calm overall,” giit pa niya.

Ang paggamit ng laser ng Chinese Coast Guard (CCG) ay nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng mga tripulante ng PCG. Gayunpaman, ipinagtanggol ng China ang aksyon nito dahil inakusahan nito ang Pilipinas ng panghihimasok sa mga karagatan nito.

Iginiit ng Beijing na ang Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) ay bahagi ng Nansha Islands nito, na tumatangging kilalanin ang 2016 arbitral ruling sa The Hague, na nagtapos na ang China ay walang legal na batayan para i-claim ang mga makasaysayang karapatan sa karamihan ng South China dagat. RNT