Tsina nagbabala sa Pinas sa dagdag-EDCA site: Regional peace nanganganib

Tsina nagbabala sa Pinas sa dagdag-EDCA site: Regional peace nanganganib

March 11, 2023 @ 9:20 AM 2 weeks ago


Tinutulan ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang mga pahayag ng isang opisyal ng Estados Unidos at binalaan ang Pilipinas laban sa pagbubukas ng mga karagdagang defense site sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Nauna nang sinabi ni US Undersecretary of State for Political Affairs Victoria Nuland na ang paglalagay ng mga bagong site ay lilikha ng mga oportunidad sa ekonomiya para sa Pilipinas.

Nagsalita rin siya tungkol sa mga pangakong binitawan ng Beijing at tinanong kung karamihan sa mga pangakong ito ay nakinabang sa mga Pilipino na hindi naman nagustuhan ng Tsina.

“Economy and trade cannot flourish without a peaceful and stable regional environment,” giit ng Chinese embassy sa isang pahayag.

“However, some Americans claim that the four additional military sites in the Philippines to which US forces would have access under the EDCA would bring economic ‘opportunities, jobs’ to their host communities, and discredit China-Philippines economic cooperation at the same time,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Tsina na ang nasabing mga pahayag ay nagpapakita ng “total ignorance” ng Pilipinas sa paghahangad ng kapayapaan at pakikipagtulungan sa higanteng Silangang Asya.

Idinagdag ng embahada na ang mga karagdagang EDCA sites ay magdudulot lamang ng kaligaligan sa rehiyon.

“Creating economic opportunities and jobs through military cooperation is tantamount to quenching thirst with poison and gouging flesh to heal wounds,” ayon sa embassy. “Such cooperation will seriously endanger regional peace and stability and drag the Philippines into the abyss of geopolitical strife and damage its economic development at the end of the day.”

Samantala, iginiit ng US embassy na nananatili itong nakatuon sa ugnayan nito sa pagtatanggol sa Pilipinas.

“The United States and the Philippines stand together as friends, partners, and allies,”pahayag nito. “Now and always, the US commitment to the defense of the Philippines is ironclad, and we are committed to strengthening our economic and investment relationship.” RNT