Tsina nagbanta vs Olympics diplomatic boycott ng Western nations

Tsina nagbanta vs Olympics diplomatic boycott ng Western nations

December 10, 2021 @ 10:46 AM 10 months ago


BEIJING — Nagbabala ang Tsina sa mga  Western nation at sinabing magbabayad sila sa kanilang mga ikinasang diplomatic boycott sa 2022 Beijing Winter Olympics.

Matatandaang nag-anunsyo ng dibplomatic boycott ang US, Australia, Britain at Canada nitong linggo bunsod ng mga paglabag umano sa karapatang pantao ng Tsina, at direktang tinukoy ng Washington ang nangyaring a “genocide” sa Muslim Uyghur minority sa Xinjiang.

Sa kabila ng boycott, tuloy naman ang pagpapadala ng atleta ng mga nasabing bansa sa Beijing Olympics.

“The US, Australia, Britain and Canada’s use of the Olympic platform for political manipulation is unpopular and self-isolating, and they will inevitably pay the price for their wrongdoing,” ani foreign ministry spokesman Wang Wenbin sa reporters.

Nakakuha naman ng suporta ang nasabing boycott sa mga advocacy group kung saan tinawag ito ni Human Rights Watch’s China director Sophie Richardson na “crucial step toward challenging the Chinese government’s crimes against humanity targeting Uyghurs and other Turkic communities.” RNT