Tsina nagpasalamat sa pakikidalamhati ng Pinas sa pagpanaw ni ex-China pres. Zemin

Tsina nagpasalamat sa pakikidalamhati ng Pinas sa pagpanaw ni ex-China pres. Zemin

December 6, 2022 @ 9:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang mga opisyal ng Philippine government sa pagbibigay-galang at pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Chinese President Jiang Zemin, sa edad na 96.

“The Filipino people will remember his achievements in forging closer bilateral ties between the Philippines and China. Thank you, Madam Vice President Duterte,” ayon kay Huang.

Pinasalamatan din ni Huang si dating Pangulo at Senior House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Senator Imee Marcos, mga kinatawan mula sa Filipino-Chinese community at ilan pang iba.

“Many other Filipino friends and colleagues from diplomatic missions in the Philippines visited the Chinese Embassy and expressed their deepest condolences over the passing of former President Jiang Zemin,” ani Huang.

Sa ulat, leukemia at multiple organ failure ang ikinasawi ng dating pangulo ng China.

Si Jiang ay nagsilbing pangulo ng China mula 1993 hanggang 2003.

Siya rin ang nagdala sa China tungo sa pagiging global powerhouse nito.

Naging daan din si Jiang sa pagturn-over sa Hong Kong noong 1997 at napabilang ang China sa World Trade Organization.

Naka-half mast ngayon ang mga watawat sa lahat ng Chinese government buildings. Kris Jose