Tsina nakapagtala na ng unang Omicron case

Tsina nakapagtala na ng unang Omicron case

December 14, 2021 @ 12:42 PM 10 months ago


BEIJING- Naiulat sa China ang unang kaso ng mas nakahahawang Omicron coronavirus variant, ayon sa state media nitong Lunes.

Kinumpirma ng mga awtoridad sa hilagang siyudad ng Tianjin ang kaso ng indibidwal na pumasok sa bansa mula sa isang hindi nabanggit na overseas location, base sa Tianjin Daily newspaper.

Nagpositibo ang asymptomatic na pasyente sa coronavirus disease (COVID-19) nitong Huwebes bago ang mga kasunod na tests “that confirmed the detection of the… Omicron variant”, ayon sa ulat, at sinabing naka-isolate na ang pasyente sa isang ospital.

Nasa high alert status ang bansa na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo para sa potensyal na outbreaks, sa paghahanda nitp sa gaganaping Beijing Winter Olympics sa Pebrero. RNT/SA