Tsina sa Marcos admin: Pinagtatalunang S. China Sea, ‘wag hayaang maging hadlang sa PH-China ties

Tsina sa Marcos admin: Pinagtatalunang S. China Sea, ‘wag hayaang maging hadlang sa PH-China ties

July 8, 2022 @ 7:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang China  sa gobyernong Marcos na huwag hayaan na masira ang ugnayan ng Pilipinas at China dahil lamang sa pinagtatalunang South China Sea.

Sa unang miting ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. sa Maynila, araw ng Miyerkules, sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na “no dispute should affect China-Philippines ties,” na aniya’y mayroong “historical significance”.

“The cooperation between the Philippines and China goes far beyond maritime differences,” ayon kay Wang.

“Differences cannot be allowed to define the relationship between the two countries, and individual disputes cannot be allowed to interfere with the cooperation between the two countries,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Wang  na ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay maaaring ma-improved, makalikha ng bagong “golden era” para sa  bilateral relations.

“China firmly supports the smooth governance of the new Philippine government, and is willing to cooperate with the Philippine side in the four key areas of agriculture, infrastructure, energy, and humanities, to help the Philippines accelerate its development and revitalisation, and create more benefits for the Philippine people.

There was no word from the Philippine government on whether they discussed South China Sea disputes,” ayon kay Wang.

Sa isa namang tweet matapos ang pag-uusap, sinabi ni Pangulong Marcos na pinag-usapan ng dalawang bansa ang “agriculture, infrastructure, energy, and our commitment to maintaining the strong relationship between our peoples in the coming years”. Kris Jose