Tsina sa pagbomba ng tubig supply boat ng Pinas: Trespassing sila

Tsina sa pagbomba ng tubig supply boat ng Pinas: Trespassing sila

November 19, 2021 @ 7:25 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Tumugon na ang Tsina sa insidente ng pagbomba nila ng tubig at pagharang sa dalawang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Sa kanilang tugon, inakusahan nila ang Pilipians na “trespassing” sa inaangking katubigan.

“On the evening of November 16, two Philippine supply boats trespassed into waters near Ren’ai Jiao of China’s Nansha Qundao without China’s consent,” ayon kay Chinese Ministry spokesperson Zhao Lijian sa isang briefing nitong Huwebes.

“Chinese coast guard vessels performed official duties in accordance with law and upheld China’s territorial sovereignty and maritime order,” dagdag pa ni Zhao.

Sinabi rin ni Zhao na ang kapwa partido ay “in communication on this.”

Nauna nang iniulat ng Department of Foreign Affairs ang insidente sa Ayungin Shoal kung saan hindi pinadaan at binomba pa ng tubig ang dalawang bangka ng Pinas na magdedeliber lang sana ng suplay ng pagkain sa mga nagpapatrulyang tauhan ng Pinas sa katubigan. RNT