Tsina walang karapatan sa WPS – US official

Tsina walang karapatan sa WPS – US official

March 31, 2022 @ 9:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inulit ng Estados Unidos na “China has no lawful claim” sa mga lugar na ayon sa arbitral tribunal ay bahagi ng Philippine exclusive economic zone at continental shelf kasunod ng mga insidente ng paglapit ng barko ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Binigyang-diin ni visiting Department of State Counselor Derek Chollet na kinakailangang magbahaginan ng impormasyon ng Estados Unidos at Pilipinas at mag-ugnayan sa tugon sa paggamit ng Tsina ng “leverage” upang paalisin ang Pilipinas at iba pang bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

“Our view has been very clear that the PRC has no lawful claim to the area determined by the arbitral tribunal to be part of the Philippines, to the Philippines EEZ and continental shelf. We recognize the sovereign rights and the jurisdiction under the UN Law of the Sea treaty of the Second Thomas Shoal and Reed Bank,” ani Chollet.

Nakipagkita si Chollet sa Philippine officials sa Manila kung saan binigyang-diin niya ang pangako ng Estados Unidos sa Southeast Asia at sa -Philippines alliance, lalo na sa pangako nitong malayang Indo-Pacific.

“We’ve been very clear that we stand by our Philippine allies and we will uphold Article IV of our Mutual Defense Treaty and we very much reject Chinese aggression in the South China Sea, their coercion, their attempts to create facts on the ground, facts on the water as well and we will uphold our commitments to one another,” sabi ni Chollet.

“That’s why it’s so important for us to cooperate so closely day in and day out whether sharing information or coordinating on our responses because we have a collective interest in ensuring that Philippines’ rights in the South China Sea are defended,” aniya pa. RNT/SA