Tsinelas vendor timbog sa P10M ‘shabu’

Tsinelas vendor timbog sa P10M ‘shabu’

September 13, 2022 @ 2:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang aabot sa P10 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang lalaking suspek sa Marikina City nitong maghahatinggabi ng Linggo.

Sa record ng pulisya, noong una ay inakalang nagtitinda lang ng tsinelas ang suspek gamit ang kanyang e-bike, ngunit sa beripikasyon dahil sa timbre ng impormante, nagpag-alamang nagbebenta pala siya ng ilegal na droga.

Makaraan ang ilang linggong surveillance at casing, ikinasa ng Eastern Police District District Drugs Enforcement Unit ang buy-bust laban sa suspek na kinilalang si Habib Pangalain, isang High Value Individual sa Eastern Police District Unified Illegal Drug Watchlist.

Nangungupahan umano ang suspek sa Makati City, at ang pagtitinda niya ng mga tsinelas sa Marikina ang front sa pagbebenta ng iligal na droga.

Halos nasa 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na may presyong P10,200,000 na nakalagay sa 21 maliliit na plastic bags ang nasamsam sa buy bust operation Kay Habib sa McDonald Avenue, malapit lang sa Marikina Sport Complex, Bgy. Sto NiΓ±o, Marikina City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Habib makaraang makuha bilang ebidensya ang nasa 1.5 kilo ng shabu, at ang Bajaj e-bike na gamit ng suspek sa “paglalako” ng shabu.Β Dave Baluyot