Tsino arestado sa P17.2M shabu

Tsino arestado sa P17.2M shabu

July 26, 2022 @ 4:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasasam ng awtoridad ang nasa 2.5 kilo ng shabu na may halagang P17.2 milyon halaga sa isang Chinese national at dalawa pang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation sa Charbel Subdivision, Brgy. Sampaloc 4, Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Zhiming Liu alias Ken Liu, 29 ng MLA River City, Colorado Bldg, Binondo, Manila; at mga kasama na sina Franz Marlon Magbo Marteja, 32 ng Bukal Sur, Candelaria, Quezon; at Jim Paul Salalila Arceo, 33 ng Sapang Maragul, Tarlac.

Napag-alaman na dakong alas-6:00 ng gabi nang nagsagawa ng operasyon ang puwersa ng PDEA Intelligence Service, PDEA IV-A Cavite PO, PDEA RO-NCR SIU North, TF NOAH, Team Navy, PNP Dasma DEU, Cavite at PDEU sa nasabing lugar.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. Margie Bautista