Tsino at Pinoy dinakma sa 30 kilo ng shabu

Tsino at Pinoy dinakma sa 30 kilo ng shabu

February 20, 2023 @ 7:04 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nadakip ng pinagnasib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Intelligence Unit ng Angeles City Police Station 2 ang isang tsino at filipino na kasabwat nito matapos kumagat sa buy-bust operation sa nasabing lungsod kahapon, Pebrero 19.

Kinilala ni PDEA Director General Amoro Virgilo Lazo ang mga naaresto na sina , Yi Xin Lo, chinese national 49 anyos, residente ng 1280 Jose Abad Santos Ave., Tondo, Manila at Mark June Barsaga ‘aka’Mac Mac, 23,ng Dalahican St., Sta. Teresa, Purok 7, Lucena, Quezon Province,

Base sa ulat, bandang 11:52 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa kahabaan ng Pointsettia Ave, Brgy. Pampang, Angeles City Pampanga.

Nakuha sa buy bust ang 1 kilo ng hinihinalang shabu habang may mga narekober pa na 29 kilo ng hinihinalang shabu bundle ng boodle money; 3 cellular phone; 2 Identification Card Isang (1) unit ng Metallic Grey Toyota Avanza na may plate no. ABQ -9912

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Drug Act pf 2002. Jan Sinocruz