Tsino dedo sa tambang sa elevator

Tsino dedo sa tambang sa elevator

July 13, 2021 @ 7:20 PM 1 year ago


MANILA, Philippiens – Patay ang isang Chinese national matapos barilin ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Maynila Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Wen Dun Chen, 50, negosyante at nakatira sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo, Maynila

Sa ulat ng MPD, ala 1:45 ng hapon ng mangyari ang pamamaril sa Sunjoy building 525 Lvazares St., Binondo, Maynila.

Ayon naman sa testigo na isang elevator operator, nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at may taas na 5’6 hanggang 5’7 , katamtaman ang pangangatawan ang lalaking suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, sinabi ni Yacob na nasa ikalawang palapag na sila ng gusali ng biktima nang paputokan ang suspek sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, mabilis aniyang tumakas ang suspek

Nagpalatuloy pa ang imbestigasyon ng MPD homicide section sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden