Tsinoy na sangkot sa droga, itinumba sa Cebu

Tsinoy na sangkot sa droga, itinumba sa Cebu

June 26, 2018 @ 3:29 PM 4 years ago


Cordova, Cebu – Isang Filipino-Chinese businessman ang pinagbabaril at napatay sa bayang ito kaninang umaga.
Ang biktimang si Gary Go na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng droga, ay pinagbabaril ng mga armadong lalaki na lulan sa isang van.
Nangyari ang pamamaril kay Go, bandang 8:00 a.m. sa Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu.
Ayon kay Senior Insp. Janus Giangan, hepe ng Cordova police, si Go ay minsang nadakip noong June 2015 sa isang buy-bust operation sa Quezon City.
Nasamsaman si Go sa naturang operasyon ng P255 million halaga ng shabu.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung paano nakalaya si Go sa kabila ng milyon-milyong pisong halaga ng droga na nakuha sa kanya. (Nats Taboy / Jeff Galos)