Tsismis na buntis si Julia Montes, fake news!

Tsismis na buntis si Julia Montes, fake news!

September 27, 2022 @ 8:19 AM 2 months ago


Manila, Philippines- Hindi pa man natatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano ay balitang nagdadalantao si Julia Montes.

Si Julia ang rumored girlfriend ni Coco Martin na minsan nang nataismis na nagsilang ng kanilang love child ng aktor.

Lalo pang umugong ang alleged second pregnancy ni Julia sa anggulo niya sa finale episode ng nagtapos nang teleserye.

Halata raw na inalagaan ang shot para maitago ang kanyang baby bump.

But amid the persistent rumors, hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan.

Dapat nga naman daw by this time ay malaki na ang tiyan ng aktres.

But to prove everybody wrong, ang nakatakdang pelikulang gagawin ni Julia ay patunay that she’s not pregnant after all.

Makakasama ni Julia si Quezon City Representative Arjo Atayde sa isang action movie.

Titled Topak, depensa ng mga Julia supporters, kung totoong nasa maselang kalagayan nga ang aktres ay papayag ba itong gumawa ng action movie, to think na it requires daw some amount of physical strength?

At kung totoo nga raw na buntis uli ito kay Coco, sa tingin ba ng marami ay papayag ang aktor na ipahamak ng aktres ang kanilang second baby?

Bilang paghahanda raw sa nasabing pelikula ay sumailalim sa hair makeover si Julia.

She’s now sporting bangs.

So malinaw na fake news daw ang pagbubuntis ni Julia! Ronnie Carrasco III