Tsong, excited sa apo kay Winwyn, handa nang maging yayo!

Tsong, excited sa apo kay Winwyn, handa nang maging yayo!

January 3, 2022 @ 7:15 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa man, proud grandfather si Joey Marquez.

Nasa 21st week na kasi ng kanyang pagbubuntis ang anak na si Winwyn Marquez, his child with Alma Moreno.

Emosyonal nga si Joey nang makita ang sonogram photo ng sanggol.

Bilang expectant lolo, nakapagbitiw ng pangako ang aktor na siya ang mag-aalaga sa baby ‘pag nailuwal na ito ni Winwyn.

Wala raw dapat alalahanin ang anak sa matetengga nitong showbiz work dahil nariyan naman daw siya to fulfill his lolo duties.

Dagdag pa ni Joey, maging ang ex-partner na si Alma ay excited na rin sa panganganak ni Winwyn.

“Ness can’t wait to see Winwyn give birth. Mas excited pa nga yata kaming mga grandparents,” ani Joey.

Filipino tradition has it na mas mahal daw ang apo kesa sa anak. Pinaniniwalaan kasing “tubo” sa puhunan ng sinumang magulang ang anak ng kanyang anak. Ronnie Carrasco III