Tsong, inisnab ang binyag ng apo!

Tsong, inisnab ang binyag ng apo!

October 9, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa wakas, nakaliskisan na rin ang ama ni Luna, ang anak ni Wynwin Marquez.

Naganap ito sa mismong christening rites sa baby kamakailan lang.

And true to what Wynwin earlier said of the baby’s father, artistahin ang hitsura nito.

Hindi pa man pinangalanan for reasons only Wynwin knows ay mukha itong disente.

Ito ‘yung guy na sinasabing grade school classmate ni Wynwin.

Pero hindi ang looks nito ang mas napansin sa binyag kundi ang ‘di pagsipot ng lolo ni Luna na si Joey Marquez.

Akala daw ba nila’y kasundo ng partido ni Wynwin ang kanyang husband to be?

Kung kay Alma Moreno raw kasi na ina ni Wynwin ay walang kaproble-problema, why does it seem problematic with Joey?

Hindi ba’t nasabi naman minsan ni Joey na namanhikan na ang guy?

At proud lolo pa nga ito na inako na ang pag-aalaga sa kanyang apo.

Sa sobrang maimahinasyon ng mga Marites, hindi ba nila naisip man lang na baka may shooting o taping si Joey na hindi niya maaaring ipagpaliban?

Baka rin naman nag-abiso na ahead of time that he couldn’t make it to his granddaughter’s binyag?

Naku, ang mga Marites talaga, oo…mapanghusga agad! Ronnie Carrasco III