Tsukii 4th sa world ranking

Tsukii 4th sa world ranking

March 12, 2022 @ 12:20 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Naluklok si Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii bilang 4th place sa latest ng world ranking na inilabas ng World Karate Federation.

Ayon sa rankings, pang-apat ang Pinay sa female kumite -50 kilogram division.

Ayon kay Tsukii hindi siya satisified sa kanyang world ranking at tiniyak nito na gagawin niya ang lahat para magwagi sa anumang torneo at ng tumaas ang kanyang ranking.

Number one sa listahan si Özçelik Arapoğlu  na nakagold 2014 World Championship at seven-time European champion.

Hawak naman ni Shar Hubrich ng Germany ang 2nd place habang 3rd place naman si Moldir Zhangbrybay.

Matatandaang nasungkit ni Tsukii ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games at silver medal naman noong 2021 Asian Championships.JC